Sa sideline Ika-31 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at Related Meetings, na ginaganap sa Pilipinas, idaraos ang pulong ng mga lider ng mga kalahok na panig sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Ang kauna-unahang pagdaraos ng ganitong pulong, ay nagpapakita ng malakas na determinasyon ng ASEAN sa paglahok sa globalisasyon, at pagpapasulong sa integrasyong pangkabuhayan at maginhawang kalakalan at pamumuhunan sa rehiyong ito.
Ayon sa pagsisiwalat, sasariwain sa pulong ng mga lider ang mga natamong bunga ng talastasan hinggil sa RCEP, papakinggan ang evaluation report, at bibigyan ng mga mungkahi ang susunod na talastasan.
Laging kinakatigan ng Tsina ang usapin ng RCEP. Ipinahayag minsan ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ang pag-asang magkakasamang magsisikap ang iba't ibang panig, para pabilisin ang talastasan ng RCEP, at marating sa lalong madaling panahon ang kasunduan. Ipinahayag din ng panig Tsino ang pagkatig sa namumunong papel ng ASEAN sa usaping ito. Nakahanda rin ang Tsina, kasama ng ASEAN, na maging positibong lakas-tagapagpasulong sa talastasan ng RCEP.
Salin: Liu Kai