|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Nagpasiya ang Tsina na ilabas ang bagong tatlong-taong plano para matiyak ang malinis na hangin ng bansa.
Ito ang ipinahayag ni Liu Youbing, Tagapagsalita ng Ministry of Environmental Protection (MEP) ng Tsina, Miyerkules, Enero 31, 2018.
Matatandaang noong 2013, sinimulang pairalin ng Tsina ang limang taong plano laban sa polusyon sa hangin. Pagkaraan ng limang taon, naisakatuparan ang lahat ng target na initakda ng nasabing plano. Noong 2017, bumaba ng 39.6% kumpara noong 2013, ang lebel ng PM 2.5, pangunahing palatandaan ng polusyon ng hangin, sa Beijing at karatig na lugar na probinsyal. Samantala, bumaba nang 34.3% at 27.7% ang nasabing pollutant, sa Yangtze Delta at Pearl River Delta, ayon sa pagkakasunod, mula taong 2013, hanggang noong 2017.
Noong nakaraang limang taon, naitatag din ng Tsina ang pambansang network ng pagmomonitor ng hangin.
Idinagdag pa ni Liu na upang mapangalagaan ang mga natamong bunga laban sa polusyon ng hangin, makikipagkoordinasyon ang kanyang ministri sa ibang mga may kinalamang ahensiya para balangkasin ang bagong tatlong taong plano.
Ayon sa Central Economic Work Conference, pinakamahalagang taunang pulong ng pambansang kabuhayan, noong Disyembre, 2017, ang paglaban sa polusyon ay isa sa tatlong pinakamalaking hamon at pinakamahirap na isyung tutugunan ng pamahalaang Tsino, sa susunod na tatlong taon.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |