Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Britanya, magkasamang pasusulungin ang mga kooperasyong gaya ng Belt and Road

(GMT+08:00) 2018-02-01 14:33:22       CRI

Miyerkules ng hapon, Enero 31, 2018, idinaos ang taunang pagtatagpo ng mga punong ministro ng Tsina at Britanya na sina Li Keqiang at Theresa May‎. Ito ang kauna-unahang taunang pagtatagpo ng mga punong ministro ng dalawang bansa, pagkatapos ng matagumpay na pagbisita ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Britanya noong 2015, at pagpapatalastas ng dalawang bansa ng pagtatatag ng pandaigdigang komprehensibo't estratehikong partnership tungo sa ika-21 siglo.

Sa pag-uusap nang araw ring iyon, sinang-ayunan ng kapuwa panig na dapat palakasin ng Tsina at Britanya ang koordinasyon ng estratehiyang pangkaunlaran, at palawakin ang bi-directional opening. Dapat din anilang palakasin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng Belt and Road, nuclear power, high-speed railway, pinansya, hay-tek na kalakalan, pamilihan ng ika-3 panig, artificial intelligence at iba pa. Dapat ding palawakin ang bi-directional investment, at pataasin ang proporsyon ng hay-tek na produkto sa bilateral na kalakalan, dagdag nila.

Ipinahayag ni Theresa May‎ na nakahanda ang panig Britaniko na sa pamamagitan ng kasalukuyang pagdalaw, ibayo pang mapapataas ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Britanya at Tsina, na nasa "ginintuang panahon." Aniya, ang Belt and Road Initiative ay makakatulong sa pagpapasulong sa kasaganaan ng Asya at sustenableng pag-unlad ng buong mundo. Bilang isa sa mga miyembrong tagapagtatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), ang Britanya aniya ay cooperative partner ng nasabing inisyatiba. Nakahanda ang panig Britaniko, kasama ng panig Tsino, na pasulungin ang kooperasyon sa konstruksyon ng Belt and Road, dagdag pa niya.

Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang sumaksi ang dalawang punong ministro sa paglagda ng maraming dokumento ng bilateral na kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhaya't kalakalan, pinansya, abiyasyon, adwana, kalusugan, inspection at quarantine, smart city at iba pa.

Sa ilalim ng kalagayan ng pag-alis ng Britanya sa Unyong Europeo, iniharap ni May ang kaisipan ng "globalisasyon ng Britanya," at dumako sa ibang lugar liban sa Europa. Ang Tsina ay isa sa mga pinakamahalagang trade partner ng Britanya. Noong 2017, 79 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng paninda ng Tsina at Britanya, at ito ay lumaki ng 6.2% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2016. Para sa kapuwa panig, mahalagang pinanggagalingan ng pamumuhunan ang isa't isa. Bukod sa mga miyembro ng gabinete, sumasama sa kasalukuyang pagdalaw ni May ang isang delegasyong kabuhaya't kalakalan na kinabibilangan ng 50 namamahalang tauhan ng kilalang malalaking kompanya ng Britanya.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Britanya
v Theresa May, dadalaw sa Tsina 2018-01-26 15:23:18
v Relasyong Sino-Britaniko, isusulong 2017-12-17 15:09:39
v Xi Jinping at Theresa May, nag-usap sa telepono 2017-09-26 16:07:45
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>