Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Disyembre 15, 2017, kay Philip Hammond, Ministrong Pinansyal ng Britanya, na kalahok sa Ika-9 na Diyalogong Ekonomiko at Pinansyal ng Tsina at Britanya, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ang kasalukuyang taon ay ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa sa antas na embasadoryal, at walang humpay na natamo ng relasyon ng Tsina at Britanya ang bagong progreso sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't-isa, at pagkakapantay-pantay. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Britaniko upang mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, at mapalakas ang kooperasyon sa mga larangang tulad ng kalakalan at pamumuhunan.
Ipinahayag naman ni Hammond na kasalukuyang kinakaharap ng relasyong Britaniko-Sino ang bagong pagkakataon ng kooperasyon. Nakahanda aniya ang panig Britaniko na alinsunod sa mga mahalagang narating na komong palagay, magsikap kasama ng panig Tsino upang mapasulong pa ang kooperasyong Britaniko-Sino sa mga larangang kinabibilangan ng kalakalan, pamumuhunan, pinansiya, enerhiyang nuklear, at iba pa.
Salin: Li Feng