Setyembre 25, 2017—Nag-usap sina Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at Theresa May, Punong Ministro ng Britanya sa pamamagitan ng telepono.
Tinukoy ni Xi na sa panahon ng G20 Summit, buong pagkakaisang pinalalagay nilang patuloy na palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Britanya, at walang humpay na lumilikha ng "Golden Times" ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni May na pinahahalagahan ng Britanya ang relasyon sa Tsina, nakahanda itong pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas ng dalawang bansa, at pasulungin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa isyu ng Korean Peninsula. Binigyan-diin ni Xi na iginigiit ng Tsina ang target na Nuclear-Free Korean Peninsula, matatag na pinananatili ang sistema ng di pagpapalaganap ng nuklear at kapayapaan ng Hilagang-silangang Asya. Umaasa aniya siyang aktibong gaganap ang Britanya ng konstruktibong papel para sa pagpapahupa sa maigting na kalagayan at pagbabalik ng mga may kinalamang panig sa diyalogo.
Sinabi naman ni May na nagsisikap ang Britanya para mapayapang lutasin ang isyung nuklear ng Korean Peninsula. Nagpahayag siya ng pagpuri sa pagsisikap at mahalagang impluwensiya ng Tsina para sa paglutas ng isyung ito, at nakahandang pahigpitin ang pagpapalitan at koordinasyon nila ng Tsina.
salin:Lele