Miyerkules, Enero 31, 2018, idinaos dito sa Beijing ang unang Asia Pacific Ministerial Conference on Civil Aviation. Dumalo at nagtalumpati sa pulong si Ma Kai, Pangalawang Premyer ng Tsina.
Tinukoy ni Ma na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang Belt and Road Initiative, at nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, na isakatuparan ang pag-uugnayan sa patakaran, konektibidad ng instalasyon, maalwang kalakalan, maluwag na pagpipinansya at people-to-people bond. Lilikahin din aniya ang bagong plataporma ng kooperasyong pandaigdig, at daragdagan ang bagong lakas-panulak para sa komong kaunlaran.
Si Ma Kai, Pangalawang Premyer ng Tsina
Sinabi ni Ma na may bentahe ang industriya ng abiyasyon sa pagpapasulong ng connectivity. Dapat aniyang patuloy na palakasin ng iba't ibang bansa sa Asya-Pasipiko ang kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura ng abiyasyon. Dapat pasulungin ang koordinasyon ng sistema ng konstruksyon, pagpaplano at pamantayan ng teknik ng paliparan, air traffic control, linya at iba pa. Dapat aniyang ibayo pang palawakin ang digri ng pagbubukas ng pamilihan ng abiyasyon, at isagawa ang mas positibo, mas bukas at mas pleksibleng patakaran ng abiyasyon. Ipinagdiinan pa niyang kailangang palakasin ang koordinasyon ng patakaran sa transportasyon, palawakin ang pagbubukas ng pamilihan ng transporasyong pang-abiyasyon ng rehiyon, at walang humpay na kompletuhin ang network ng mga linya. Ani Ma, dapat aniyang pakinabangan ng mas maraming bansa at mamamayan ang bunga ng pag-unlad ng abiyasyong sibil, at pasulungin ang kabuhayan ng Asya-Pasipiko tungo sa mas bukas, inklusibo, balanse at win-win na direksyon.
Salin: Vera