Bilang tugon sa bintang ng isang opisyal ng Australia kamakailan na daragdagan ang pasaning pinansyal ng mga pulong bansa sa Pasipiko dahil sa pagtulong ng Tsina, pinakli ito ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay walang katuwiran, at posibleng bunga ng kawalan ng tiwala ng ilang tao na makikita ang pagsasakatuparan ng nagsasarili at sustenableng pag-unlad ng mga bansa sa Pasipiko.
Ayon pa sa ulat, noong ika-11 ng Enero, 2018, natapos ang pagtatatag ng Stinson Parade Bridge at Vatuwaqa Bridge sa Fiji na pinonduhan ng Tsina. Sa seremonya ng pagpapasinaya, pinasalamatan ni Voreqe Bainimarama, Punong Ministro ng Fiji ang pagtulong ng Tsina. Aniya, ang Tsina ay magandang partner at tunay na kaibigan.
Sinabi ni Lu na ang nasabing proyekto ay isa lang sa mga proyektong pinoponduhan ng Tsina sa mga bansa sa Pasipiko, ang mga ito ay angkop sa aktuwal na pangangailangan ng pag-unlad ng mga bansa, at tinatanggap ng mga lokal na mamamayan.
salin:Lele