Ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang suporta ng kanyang bansa sa magkakasamang pagtatatag ng Asia-Pacific partnership na nagtatampok sa pagtitiwalaan, pagiging inklusibo, pagtutulungan at komong kaunlaran.
Ito ang ipinahayag ni Hua sa regular na preskon Huwebes, Setyembre 14, 2017 bilang tugon sa tanong na may kinalaman sa isinasagawang pagdalaw sa India ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon.
Idinagdag pa ni Hua na palagiang naninindigan ang Tsina na kailangang magpaunlad ang mga bansa ng kanilang relasyong panlabas, batay sa Karta ng Unite Nations (UN) at mga alituntunin ng pandaigdig na batas at pandaigdig na relasyon. Bukas at positibo aniya ang Tsina sa pagpapasulong ng mga kapitbansa ng normal na relasyong panlabas.
Salin: Jade