New York, punong himpilan ng UN—Hinimok Miyerkules, Agosto 16, 2017 ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) ang Hilagang Korea na komprehensibong isagawa ang tungkuling pandaigdig at simulan ang makabuluhang diyalogo para mapahupa ang kalagayan ng Korean Peninsula, batay sa resolusyon ng UN Security Council (UNSC).
Ipinahayag ni Guterres ang nasabing panawagan sa preskon sa punong himpilan ng UN.
Aniya, masasabing umabot na sa pinakagipit na lebel ang kalagayan ng Korean Peninsula nitong ilampung taong nakalipas. Bilang tugon, ang Resolution 2371 na pinagtibay ng UNSC noong Agosto 5 ay nagkakaloob ng pagkakataon para muling pasimulan ang diyalogo at lutasin ang krisis, dagdag pa niya.
Ipinaliwanag ni Guterres na kabilang sa mga kinakailangang diyalogo ay mga bilateral na pag-uusap at diyalogo sa pagitan ng anim na may kinalamang panig o six-party talks. Nakahanda aniya siyang mamagitan hinggil dito.
Salin: Jade
Pulido: Rhio