Beijing — Ipinahayag Martes, Pebrero 6, 2018, ni Wang Bingnan, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa darating na Spring Festival, magiging matatag at maayos ang pamilihan ng bansa. Ayon sa pagtaya, sa panahon ng kapistahang ito, aabot sa 900 bilyong Yuan, RMB ang bolyum ng benta ng retail industry at food and beverage enterprise. Ito aniya ay mas malaki ng 10% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ani Wang, palalakasin ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang pagmo-monitor sa pamilihan upang maigarantiya ang sapat na suplay ng mga paninda sa pamilihan sa panahon ng Spring Festival.
Salin: Li Feng