Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Global smartphone vendor shipment noong 2017, bumaba; pagluluwas ng cellphone na may tatak na Tsino, lumaki

(GMT+08:00) 2018-02-07 11:45:00       CRI

Ayon sa estadistika ng International Data Group (IDC) ng Amerika, noong 2017, 1.472 bilyong smart phone ang ibinenta ng mga global smartphone vendor, na bumaba ng 0.1% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Ito ang kauna-unahang pagbaba ng nasabing datos nitong nakalipas na 10 taon.

Ipinakikita naman ng estadistika mula sa Ministry of Industry and Information Technology ng Tsina na noong 2017, niyari ng Tsina ang 1.9 bilyong cellphone. Kabilang dito, 1.4 bilyon ang bilang ng mga smartphone, na lumaki ng 0.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Lumaki ng 13.9% ang cellphone export delivery value ng Tsina kumpara noong 2016, at ang bahagdan nito ay tumaas ng 10.5% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

Ipinalalagay ng dalubhasa na sanhi ng walang humpay na pagsisikap ng mga bahay-kalakal ng cellphone ng Tsina na gaya ng Huawei, Zhongxing, Xiaomi, VIVO, OPPO at iba pa sa mga aspektong gaya ng pananaliksik at pagpoprodyus ng produkto, pagpapabuti ng sistema, promosyon at pagbebenta, unti-unting nakikilala sila ng pamilihan sa loob at labas ng bansa. Sa kalagayang nagiging tigmak ang pamilihang Tsina, Amerikano at iba pa, ang mga bagong sibol na pamilihang gaya ng India at Timog-silangang Asya ay nagsilbing pangunahing pamilihan ng paglago ng pagbebenta ng mga cellphone ng Tsina.

Ipinakikita rin ng estadistika ng IDC na noong 2017, 21.6% ang bahagi ng Samsung ng Timog Korea, na nanguna sa pamilihang pandaigdig, at pumangalawa ang kota ng pamilihan ng Apple ng Amerika na 14.7%. Mas mababa kaysa 2% ang paglago ng vendor shipment ng nasabing dalawang tatak. 10.4% ang share ng Huawei ng Tsina sa pamilihang pandaigdig, na nasa ika-3 puwesto, at lumaki ng 9.9% ang vendor shipment nito kumpara noong 2016. Kapuwa may double-digit na paglaki ang vendor shipment ng OPPO at Xiaomi, dalawang tatak na Tsino na nasa ika-4 at ika-5 puwesto sa daigdig.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>