|
||||||||
|
||
Bangkok, Thailand—Huwebes, ika-28 ng Enero 2016, inilunsad dito ng Huawei, kilalang smart phone maker ng Tsina ang bagong henerasyon ng smart phone na Mate 8. Sa harap ng mabilis na paglaki ng pangangailangan sa pamilihan, popular na popular sa Timog-silangang Asya ang mga smart device na yari ng Tsina.
Seremonya ng paglulunsad ng Huawei Mate 8
Huawei Mate 8
Kasabay ng walang humpay na paglakas ng konstruksyon ng telecommunication network, tumaas nang malaki ang utilization ratio ng smart device sa Timog-silangang Asya. Sa Thailand, 22 milyong smart phone ang binili ng mga Thai noong isang taon. Ito ay lumaki ng halos 50% kumpara noong 2014. 160 minuto ang karaniwang oras ng paggamit ng smart phone ng mga mamamayang Thai bawat araw. Ito ay pangalawa sa pamilihan ng Timog-silangang Asya, kasunod ng Malaysia.
Sinusubukang gamitin ng mga Thai consumers ang Huawei Mate 8
Ang paglaki ng pangangailangan ay nakakahikayat ng pansin ng mga tatak na Tsino na gaya ng Huawei. Noong isang taon, bukod sa Huawei, pinalawak din ang pamilihan ng ibang mga kilalang tatak ng smart phone ng Tsina na gaya ng Leshi at OPPO. Sanhi ng matinding kompetisyon, unti-unting tumataas ang imahe ng mga tatak na Tsino.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |