Thailand — Isinapubliko nitong Miyerkules, Disyembre 7, 2016 ng Huawei Enterprise Communication ng Tsina ang panibagong smart phone na tinatawagang Mate9, Mate9 Pro, at GR5 para sa Thailand at pamilihang Timog Silangang Asyano.
Ipinahayag ni Wang Yifan, Manager ng Huawei Enterprise sa Thailand, na ang Thailand ay isa sa mga pinakamahalagang pamilihan ng kanyang kompanya. Aniya, mahigit 20 taon na umunlad ang Huawei sa Thailand, at hanggang katapusan ng kasalukuyang taon, aabot sa 15 ang bilang ng mga Huawei service centers sa bansang ito. Sa hinaharap, ipagkakaloob ng Huawei ang mas mainam na produkto at serbisyo para sa mga mamimili, dagdag niya.
Salin: Li Feng