Beijing-Ipinahayag Pebrero 6, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pahihigpitin ng Tsina ang pagbibigay-dagok sa pagpasok ng solid waste na tinatawag na Yanglaji (foreign waste) sa wikang Tsino, para pasulungin ang target sa konstruksyon ng "Beautiful China," at sustenable at berdeng pag-unlad ng bansa.
Winika ito ni Geng bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Erik Solheim, Executive Director ng UN Environment Programme (UNEP), na ang pinahigpit na pagpigil ng Tsina sa pag-aangkat ng plastic trash ay nagsisilbing signal sa mayayamang bansang magbigay-pahalaga sa recycling ng non-essential products na gaya ng plastic drinking straws.
Ipinahayag ni Geng na bilang mahalagang hakbang sa pagpapasulong ng konstruksyon ng ekolohikal na sibilisasyon ng bansa, ang nasabing isinasagawang aksyon ng Tsina ay makakatulong hindi lamang sa pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, kundi maging sa kalusugan ng mga mamamayan. Umaasa aniya siyang mapapahigpit ng komunidad ng daigdig ang pagtutulungan sa usaping ito.