SINABI ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na dinirinig na ng mga hukuman ang mga usaping may kinalaman sa kampanya laban sa illegal drugs kaya't 'di na kailangan pa ang pagsasagawa ng pagsisiyasat ng International Criminal Court.
Sa panayam, sinabi ni G. Panelo na ang usaping pagpatay sa dalawang kabataan ay nasa isang hukuman na sa Caloocan City. Nahaharap sa usaping pagpatay ang apat katao na kinabibilangan ng tatlong pulis.
Magkakaroon lamang ng hurisdiksyon ang ICC kung hindi nililitis at tinatanggihang litisin ng mga hukuman at tagausig ang mga nasa likod ng mga pagpatay.
Ani Secretary Panelo, ang impormasyong inilahad ni Atty. Jude Sabio ay naglalayon lamang siraan si Pangulong Duterte.