IBINALIK na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang poder sa Philippine National Police sa paglaban sa illegal drugs.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na ang Philippine Drug Enforcement Agency pa rin ang mangunguna sa kampanya.
Magugunitang inalis ni Pangulong Duterte ang pulisya sa kampanya laban sa illegal drugs noong nakalipas na Oktubre.
Ginawa ang pahayag matapos ang pinagsanib na command conference ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police kanina.
Ayon naman kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, susunod sila sa kautusan ng commander-in-chief and chief executive.