Ngayong araw, Biyernes, ika-16 ng Pebrero 2018, ay Chinese New Year, o Spring Festival, pinakamahalagang kapistahan para sa mga Tsino. Ito ang unang araw ng bagong taon sa lunar calendar ng Tsina, at simula kahapon, 7-araw na nakabakasyon ang mga Tsino para sa kapistahan.
Bilang pagdiriwang sa kapistahang ito, idinaraos sa iba't ibang lugar ng Tsina ang mga espesyal na aktibidad, na gaya ng temple fair, lantern show, flower fair, art and cultural show, at iba pa.
Kinagigiliwan naman sa iba't ibang bansa ang masayang kapistahang ito na lipos ng makukulay na kulturang Tsino.
Halimbawa, idinaos ang fireworks show sa Hudson River, New York, Amerika. Inilawan ng pula ang Cairo Tower sa Ehipto. Sinindihan ng mga sulo ang Rostral Columns sa Vasilyevsky Island, Moscow, Rusya. At ikinabit din ang mga Tsinong parol sa Royal Galleries of Saint-Hubert sa Brussels, Belgium.
Salin: Liu Kai