Kaugnay ng ilang regulasyon sa proseso ng maraming anti-dumping at anti-subsidy investigation ng Amerika sa mga iniluwas na produkto ng Timog Korea, isinumite Martes, Pebrero 20, 2018 ng Timog Korea ang apela ng pagsasanggunian sa World Trade Organization (WTO).
Ayon sa pahayag na inilabas ng WTO nang araw ring iyon, ang apela ng Timog Korea ay nakakatuon, pangunahin na, sa paggamit ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika ng regulasyon ng Adverse Facts Available (AFA) sa proseso ng anti-dumping at anti-subsidy investigation sa ilang iniluwas na produkto ng Timog Kroea, para tiyakin ang dumping o subsidy behavior ng tagapagluwas. Ipinalalagay ng panig Timog Koreano na ang nasabing regulasyon ay di-angkop sa kinauukulang regulasyon ng WTO.
Ang pag-aapela ay unang hakbang ng mekanismo ng paglutas sa alitan ng WTO. Kung walang mararating na kasiya-siyang resulta sa pagsasanggunian sa loob ng 60 araw, maaaring humingi ang Timog Korea ng paglilitis ng grupo ng mga dalubhasa na bubuuin ng WTO.
Salin: Vera