Nakipagtagpo ngayong araw, Sabado, ika-10 ng Pebrero 2018, sa tanggapang pampanguluhan sa Seoul, Timog Korea, si Pangulong Moon Jae-in ng T.Korea, sa delegasyon sa mataas na antas ng Hilagang Korea, na pinamumunuan ni Kim Yong Nam, Pangulo ng Presidium ng Supreme People's Assembly ng H.Korea.
Ayon pa rin sa ulat ng tanggapang pampanguluhan ng T.Korea, sa panahon ng pagtatagpo, sa ngalan ni Kim Jong Un, Lider ng H.Korea, ipinahayag ni Kim Yo Jong, nakababatang kapatid na babae ni Kim Jong Un, kay Moon Jae-in ang paanyaya para dumalaw sa H.Korea.
Si Kim Yo Jong ay unang pangalawang puno ng Central Committee ng naghaharing Workers' Party of Korea, at kabilang siya sa delegasyon bilang espesyal na sugo ni Kim Jong Un.
Salin: Liu Kai