Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-19 ng Pebrero 2018, ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea, na isasagawa ng kanyang pamahalaan ang mga katugong hakbangin, bilang tugon sa mga di-makatwirang hakbangin ng proteksyong pangkalakalan ng Amerika.
Sinabi ni Moon, na ang paglala ng proteksyonismong pangkalakalan ay isang namumukod na isyu ngayon sa daigdig. Kamakailan aniya, inilabas ng Amerika ang mga hakbangin ng paglilimita sa pag-aangkat ng mga photovoltaic cell, mga piyesa nito, at makinang panlaba mula sa T.Korea, at ikinababahala ng panig T.Koreano ang mga epektong dulot ng mga ito sa mga may kinalamang industriya ng bansa.
Ipinahayag din ni Moon, na dapat isagawa ng pamahalaang T.Koreano ang mga katugong hakbangin, na gaya ng pag-aapela sa World Trade Organization, pagsusuri sa mga hakbangin ng panig Amerikano batay sa kasunduan sa malayang kalakalan ng dalawang bansa, at pagrereklamo sa panig Amerikano sa talastasan hinggil sa pagsususog sa naturang kasunduan.
Salin: Liu Kai