LIBO-LIBONG mga biktima ng pang-aabuso noong Martial law ang makatatanggap ng buong kabayaran bilang bayad-pinsala bago mapawalang-saysay ang batas sa darating na ika-12 ng Mayo.
Sinabi ni Retired General Lina Sarmiento na pinuno ng Human Rights Victims Claims Board, pasado na ang may 9,204 na claims mula sa 75,730 applications na natanggap noong 2014 at 2015.
Napag-usapan na ang lahat ng applications. Mayroong 5,121 eligible claimants ang nabigyan ng bahagi ng kanilang claims na nagkakahalaga ng higit sa P 362.4 milyon.
Baka hindi umabot sa kalahati ng original claimants ang mabibigyan ng kaukulang kabayaran sapagkat baka hindi pa umabot sa 3,000 ang nakapasa sa kanilang pamantayan.
Nararapat mawalang-bisa ang lupon noong 2016 subalit nasusugan ang batas kaya't nadagdagan ng dalawang taon ang gawain ng Claims Board.