|
||||||||
|
||
MAGSASAMA-SAMA ang isang koalisyon ng mga mamamayan sa darating na Huwebes, ika-21 ng Setyembre, kasabay ng paggunita sa ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa Quirino Grandstand ang iba't ibang grupo upang manawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang mga pagpaslang na nagaganap sa bansa.
WALA KAMING BALAK NA PABAGSAKIN SI PANGULONG DUTERTE. Niliwanag ni dating Congressman Teddy Casino na walang balak ang kanilang koalisyon na paalisin sa puwesto si Pangulong Duterte. Nais lamang nilng itigil na ang mga pagpatay na ayon sa kanila'y paglabag sa batas. (Melo M. Acuna)
Ito ang niliwanag nina dating Congressman Teddy Casino, Party List Congressman Antonio Tinio, Sr. Mary John Mananzan at dating Chairman of the Board ng BusinessWorld na si Vergel Santos sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat."
PATULOY NA MANANAWAGANG MAGSAMA-SAMA. Mensahe naman ito ni Congressman Antonio Tinio upang makarating kay Pangulong Duterte na nababahala na ang mga mamamayan sa mga pagpatay sa ngalan ng kampanya laban sa droga. (Melo M. Acuna)
Niliwanag ni G. Casino na hindi nila layuning pababain sa puesto si Pangulong Duterte kungdi tuldukan na lamang ang mga pagpatay sapagkat nakababahala na ang libu-libong napaslang sa ngalan ng kampanya sa droga.
Ayon kay G. Vergel Santos, walang pagtatangi kung dilaw, pula o anumang grupo basta't ang mahalaga ay ang sama-samang paninindigan laban sa mga paglabag sa batas ng pamahalaan.
Sa panig ni Atty. Jude Sabio, abo Tiniogadong nagreklamo sa International Criminal Court, dinala lamang ni Pangulong Duterte ang kanyang Davao Death Squad sa Maynila. Naniniwala rin siya sa mga pahayag ng kanyang mga kliyente na sina Edgard Matobato at retiradong SPO4 Arthur Lascanas na may kinalaman ang dating city mayor sa mga nagaganap na pagpatay.
Isang payapang pagtitipon ang magaganap sa Huwebes, dagdag naman ni Sr. Mary John Mananzan, dating pangulo ng St. Scholaastica's College.
Ipinaliwanag ng grupo ang kanilang mga dahilan sa pagsasama-sama sa kanilang manifesto. Sa loob umano ng isang taon, umabot na sa 12,000 mga Filipino na karamiha'y mahihirap ang napapatay sa kampanya laban sa droga. Ang malawakang kampanya ng militar at pulis laban sa mga Muslim at sinasabing mga terorista ay dahilan ng paghihirap ng non-combatants.
Kabilang sa kanilang kinokondena ang panggigipit sa pamamagitan ng impeachment laban sa chief justice ng Korte Suprema at sa Ombudsman, pagbibigay ng mumunting budget sa Commission on Human Rights at pagtatangkang busalan ang media.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |