Huwebes, Pebrero 22, 2018, ipinahayag ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na winewelkam at kinakatigan ng panig Tsino ang pagsasagawa ng Hilaga at Timog Korea ng isang serye ng positibong pagpapalitan at pagtutulungang pangkaibigan sa PyeongChang Winter Olympics. Umaasa aniya rin siyang mapapangalagaan ng iba't ibang may kinalamang panig ang ganitong tunguhin ng pagdidiyalogo, at mapapalawak ang pagpapalitan sa pagitan ng iba't ibang panig, lalung lalo na, ng Hilagang Korea at Amerika.
Inihayag kamakailan ng Ministring Panlabas ng Timog Korea na pagkatapos ng Winter Olympics, mahigpit na ipapatupad ng panig Timog Koreano ang mga umiiral na sangsyon ng United Nations Security Council sa Hilagang Korea. Dagdag pa ng ministring ito, aktibong gagamitin ng Timog Korea ang atmospera ng diyalogo sa Hilagang Korea na nalikha sa Winter Olympics, para gumawa ng diplomatikong pagsisikap sa mapayapang paglutas sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Salin: Vera