Martes, Pebrero 20, 2018—Sinabi ni Heather Nauert, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos na sa panahon ng PyeongChang Winter Olympics, kinansela ng delegasyon ng Hilagang Korea ang pakikipag-usap sa panig Amerikano.
Ani Nauert, sa panahon ng paglahok sa Winter Olympics ng delagasyong Amerikano na pinamumunuan ni Pangalawang Pangulong Mike Pence ng bansa, may posibilidad minsan para sa maikling pagtatagpo ng mga delegasyon ng Amerika at Hilagang Korea. Aniya, binalak ni Pence na ipaliwanag sa panig Hilagang Koreano ang pangangailangan ng pagtatakwil ng proyekto ng nuclear missile, sa pamamagitan ng pagkakataong ito, pero kinansela ng panig Hilagang Koreano ang nasabing pagtatagpo sa huling sandali.
Sinabi ni Nauert na ikinalungkot ng panig Amerikano ang pagbalewala ng Hilagang Korea ng nasabing pagkakataon. Aniya, patuloy na pag-iibayuhin ng panig Amerikano ang pagpapataw ng presyur sa panig Hilagang Koreano sa aspektong pangkabuhayan at diplomatiko, hanggang sang-ayunan nito ang pagsasagawa ng mapagkakatiwalaang diyalogo tungkol sa pagsasakatuparan ng walang nuklear na Korean Peninsula.
Hanggang ngayon, wala pang pahayag ang Hilagang Korea hinggil dito.