Sa kanyang talumpati kamakailan sa pagtitipon sa Downing Street bilang pagdiwang sa Spring Festival ng Tsina, ipinahayag ni Punong Ministro Theresa May ng Britanya na nagkaroon siya ng matagumpay na pagdalaw sa Tsina noong Enero ng kasalukuyang taon. Nilagdaan aniya ng dalawang panig ang mga kasunduang komersyal na nagkakahalaga ng mahigit 9 bilyong Pound.
Ipinahayag ng punong ministrong Britaniko na gumawa ang mga overseas Chinese ng mahalagang ambag sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng Britanya. Samantala, bilang kinatawan ng mga Tsino sa Britanya, ginawaran ni May si Ginoong Jenny Wong ng "Points of Light Award."
Dumalo sa pagtitipong ito si Embahador Liu Xiaoming ng Tsina sa Britanya, at mahigit 100 kinatawan mula sa ibat-ibang sektor ng dalawang panig.