Sabado, ika-16 ng Setyembre, 2017, inaresto sa Dover, puwerto sa Timog Silangan ng bansa, ng panig pulisya ng Britanya ang isang pinaghihinalaang may kinalaman sa kaso ng pagsabog sa subway ng London.
Ayon sa panig pulisya ng Britanya, ang nasabing 18 taong gulang na suspek ay inaresto dahil sa pinaghihinalaang teroristikong aksyon, at ililipat siya sa panig pulisya ng London.
Biyernes, naganap ang pagsabog sa isang subway station sa Kanlurang London, na ikinasugat ng halos 30 katao. Pagkaganap ng insidente, ipinatalastas ng panig pulisya ng Britanya na ito ang isang teroristikong pagsalakay. Inamin naman ng ekstrimistikong organisasyong "Islamic State (IS)" na ito ay may kagagawan ng nasabing pagsalakay.
Biyernes ng gabi, ipinatalastas ni Theresa May, Punong Ministro ng Britanya, na pinataas ang terror threat level ng bansa sa "critical," mula "severe."
Salin: Vera