Naganap Sabado ng hapon, ika-7 ng Oktubre 2017, local time, sa London, Britanya, ang insidente ng pagsagasa ng sasakyan sa mga tao, na ikinasugat ng 11.
Ang insidenteng ito ay naganap sa South Kensington ng London, kung saan matatagpuan ang ilang museo, na kinabibilangan ng Natural History Museum, na binibisita ng maraming turista.
Ayon sa kapulisan ng London, nadakip na ang isang suspek sa insidente. Anila pa, wala itong kinalaman sa teroristikong pag-atake, at itinuturing na aksidenteng trapiko.
Salin: Liu Kai