Bandar Seri Begawan — Isang malaking parada na nilahukan ng halos 30 libong tao ang idinaos Pebrero 24, 2018, upang ipagdiwang ang ika-34 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Brunei.
Dumalo sa aktibidad sina Hassanal Bolkiah, Presidente at Sultan ng Brunei, at mga miyembro ng maharlikang pamilya. Pinanood nila ang parada ng mga guwardiyang pandangal, mga opisyal at sundalo ng hukbong panghimpapawid, pandagat, at panlupa, at 138 grupo na binuo ng mga opisyal-publiko, organisasyon ng mga ethnic Chinese, at mga personahe mula sa iba't-ibang sirkulo ng lipunan.
Salin: Li Feng