|
||||||||
|
||
Ayon sa Kagawaran ng Turismo ng Pilipinas, noong isang buwan, lumampas sa 111 libo ang bilang ng mga turistang Tsino nagtungo sa Pilipinas. Ito ay mas malaki ng 29.55% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Bilang tugon sa tunguhin ng paglaki ng bilang ng mga turistang Tsino, itinakda ng Kagawaran ng Turismo ng Pilipinas ang 1.5 milyong person-time bilang target sa 2018.
Ayon kay Wanda Corazon Teo, Kalihim ng Turismo ng Pilipinas, ang Tsina ay nagsisilbing ikalawang pinakamalaking bansang pinagmumulan ng mga turista sa Pilipinas.
Ayon naman sa isang poll, ang Boracay, Cebu, at Bohol ay nagiging paboritong destinasyon ng mga turistang Tsino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |