Ipinahayag kamakailan ni Wanda Corazon Teo, Kalihim ng Turismo ng Pilipinas, na ayon sa plano, isasagawa ng bansa ang Visa on Arrival (VOA) policy para sa mga turistang Tsino upang maisakatuparan ang target na isang milyong turistang Tsino sa kasalukuyang taon.
Pagkaraan ng seremonya ng pagbubukas ng ika-24 na Eksbisyong Panturista sa Manila, sinabi ni Teo na bukod sa nasabing polisya, isasagawa ng Pilipinas ang mas maraming promosyong panturista sa Tsina. Daragdagan din aniya ang mga chartered flight sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.
Ayon naman kay Huang Xiang, manger ng Tanggapan ng China Southern Airlines sa Manila, kung talagang nais isakatuparan ang nasabing target, dapat palakihin ng Pilipinas ang laang-gugulin sa konstruksyon ng imprastruktura. Samantala, dapat din aniyang palakasin ng Pilipinas ang pakikipagkooperasyon sa mga bahay-kalakal ng Tsina.
Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Kagawaran ng Turismo ng Pilipinas, noong isang taon, nalampasan ng Tsina ang Hapon sa pagiging ika-3 pinakamalaking pinangangalingan ng mga turista ng Pilipinas.
Salin: Li Feng