Martes, Pebrero 27, 2018, sinabi ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand na idaraos, bago mag-Pebrero ng susunod na taon ang pambansang halalan. Binigyang-diin din niyang kung idaraos o hindi ang halalan ay depende rin sa kalagayan sa loob ng bansa.
Nang sagutin ang tanong ng media nang araw ring iyon, sinabi ni Prayuth Chan-ocha na ang konkretong petsa ng pambansang halalan ay dapat idaos sa loob ng 150 araw, pagkaraang magkabisa ang mga batas na may kinalaman sa halalan. Pagkaraang aprobahan ng Haring Thai ang batas sa paghalal ng mga mambabatas sa mataas na kapulungan at batas sa paghalal ng mga mambabatas sa mababang kapulungan sa Hunyo ng taong ito, magsasanggunian ang mga panig na kinabibilangan ng mga partido, para talakayin ang konkretong petsa ng pambansang halalan.
Salin: Vera