IPINAGPASALAMAT ng Department of Foreign Affairs ang pagtatala ng Estados Unidos sa Maute Group at ISIS Philippines na kasama sa kanilang watch list ng mga terrorist organization.
Ang Maute Grpup ang isa mga mga grupong nagsagawa ng pananalakay sa Marawi City na tumagal ng limang buwan. Higit na napinsala ang Marawi City na nangangailangan ng malawakang pagsasaayos.
Ang terorismo, ayon kay Undersecretary for Strategic Communication and Research Ernesto Abella, ay isang malaking hamon sa rehiyon at sa daigdig. Ang pakikipagtulungan sa mga kaalyado ay malaking bagay, dagdag pa niya.
Ipinagpapasalamat ng Pilipinas ang pagkilala sa ISIS Philippines at Maute Group bilang foreign terrorist organization at pagkilala bilang mga pandagidgiang terorista.
Magugunitang tumulong ang US Special Forces sa Armed Forces of the Philippines na matapos ang pananalakay sa Marawi City. Naideklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa Mindanao na magtatagal hanggang sa huling araw ng Disyembre ng 2018.