Jakarta, Indonesia--Inilunsad Huwebes, Marso 1, 2018, sa Indonesia ang Scholarship+Great Job Project, na nasa pagtataguyod ng Human Resources Indonesia (HRI) at ilampung paaralang bokasyonal ng Tsina. Ang Triratna High School ang unang paaralang Indones na makikinabang sa nasabing proyekto.
Sa ilalim ng nabanggit na proyekto, ang mga paaralang Tsino ay magkakaloob ng scholarship. Samantala, ang mga fellow ay mga graduate ng mga high school ng Indonesia, at kapag nakalap, mag-aaral sila sa Tsina.
Kabilang sa mga paaralang Tsino ay Urban Vocational College of Sichuan (SCUVC), Guangdong Vocational School of Science and Technology, Yunnan Vocational College of Mechanical and Electrical Technology, at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio