|
||||||||
|
||
Binuksan nitong Martes, Mayo 17, 2016 ang Buwan ng Pagpapalitang Kultural ng Tsina at Thailand sa Nanning College for Vocational Technology (NCVT) sa Guangxi sa dakong timog-silangan ng Tsina.
Ayon kay Zhou Wang, Pangalawang Presidente ng NCVT, ang nasabing aktibidad na sinimulan noong 2007, ay bunga ng pagtutulungan sa pagitan ng kanyang kolehiyo at Rajamangala University of Technology Phra Nakhon ng Thailand.
Ayon din sa NCVT, nilagdaan ng kolehiyo ang mga kasunduang pangkooperasyon sa mahigit 20 counterpart mula sa Thailand, Biyetnam, Malaysia at ibang pang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang Guangxi ay kahangga sa lupa at dagat ng mga bansang ASEAN. Nitong nagdaang Enero, itinatag ang Sentro ng Tsina't ASEAN sa Pananaliksik sa Edukasyong Bokasyonal.
Group picture ng mga kinatawan ng NCVT at Rajamangala University of Technology Phra Nakhon ng Thailand sa welcome ceremony sa NCVT. (Photo credit: China News Service)
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |