Sa kanyang Government Work Report na ginawa Lunes, Marso 5, 2018, sa Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa taong ito, aktibong palalawakin ng Tsina ang pag-aagkat, at pusulungin ang liberalisasyon at pagpapaginhawa ng kalakalan at pamumuhunan. Naninindigan aniya ang Tsina na dapat lutasin ang mga hidwaang pangkalakalan sa pamamagitan ng pantay na pagsasanggunian, at tinututulan ang trade protectionism, at buong tinding ipinagtatanggol ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan.
Salin: Li Feng