Sa kanyang Government Work Report na ginawa Lunes, Marso 5, 2018, sa Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, binigyang-diin ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na dapat palalimin ang reporma, at igiit ang pagbubukas sa labas.
Aniya, noong nagdaang taon, lumaki ng 23.5% ang tubo ng mga bahay-kalakal na ari ng estado ng Tsina; pinaluwag sa kabuuan ang pagkontrol sa interest rate, at itinatag ang deposit insurance system; itinatag din ang pinag-isang urban basic pension at health insurance system.
Ani Li, iginiit ng Tsina ang pundamental na patakaran ng estado sa pagbubukas sa labas, iminungkahi at pinasulong ang magkakasamang pagtatatag ng "Belt and Road." Itinayo rin aniya ang 11 pilot free trade zone na kinabibilangan ng Shanghai, at 13 cross-border e-commerce comprehensive pilot area. Para sa pamumuhunan ng mga mangangalakal na dayuhan, ang sistema ng pagsusuri't pag-aaproba ay pinalitan ng negative list management. Tumaas ng 40% ang bilang ng mga dalubhasang dayuhan na nagtatrabaho sa Tsina. Bagong nilagdaan at ini-upgrade ang 8 kasunduan sa malayang kalakalan. Napabilang sa Special Drawing Rights (SDR) ng International Monetary Fund (IMF) ang RMB.
Salin: Vera