Sa kanyang Government Work Report na ginawa Lunes, Marso 5, 2018, sa Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, iminungkahi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa taong ito, dapat pauunlarin at pasusulungin ang bagong kasiglahan sa larangang ekonomiko. Kabilang dito ay pagpapasulong ng mga industriyang gaya ng mga integrated 5G mobile communications, new-energy vehicles, at bagong materyal.
Sa taong ito, palalakasin ng Tsina ang puwersa sa pagpapataas ng bilis at pagbabawas ng gastos ng broadband upang mapasulong ang pagtatayo ng Digital China.
Salin: Li Feng