Sa kanyang Government Work Report na ginawa Lunes, Marso 5, 2018, sa Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na upang mapabilis ang pagtatayo ng mapanlikhang bansa, pasisimulan ng Tsina ang mga malalaking proyektong pansiyensiya't panteknolohiya. Aniya, dapat dagdagan ng bansa ang laang pansiyensiya't panteknolohiya sa mga larangan tungkol sa pamumuhay ng mga mamamayan. Dapat palakasin ang pagsasaayos sa smog, at pagpigil at pagbibigay-lunas sa mga malubhang sakit na tulad ng cancer para makapaghatid ang siyensiya't teknolohiya ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan.
Salin: Li Feng