Ipinahayag noong ika-5 ng Marso, 2018, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasang patuloy na susulong, kasama ng bagong pamahalaan ng Alemanya, ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, at matatag na uunlad sa mataas na antas.
Ayon sa ulat, ipinatalastas noong ika-4 ng Marso ng Social Democratic Party ng Alemanya na bubuo sila, kasama ng Union na pinamumunuan ni Angela Merkel ng isang bagong unyon, at may pag-asang sisimulan ni Merkel ang kaniyang ika-4 na termino bilang chancellor ng Alemanya.
salin:Lele