Vientiane, Laos—Kasalukuyang pinapalawak ang Wattay International Airport sa Vientiane, kabisera ng Laos. Nakatakda itong matapos sa darating na Hunyo, at sa Hulyo, inaasahang ganap na maisasaoperasyon ang paliparan. Sa sandaling maisaoperasyon, tatlong milyong manlalakbay ang maaari nitong tanggapin bawat taon.
Ito ang ipinahayag Marso 5, 2018 ni Sengsanguan Chanthavong, Manager ng nasabing proyekto.
Ang proyekto ng pagpapalawak na sinimulan noong 2012 ay ginagawa sa pamamagitan ng soft loan mula sa pamahalaan ng Hapon.
Salin: Jade
Pulido: Rhio