Idinaos kahapon, Sabado, ika-17 ng Pebrero 2018, sa lalawigang Xaignabouli, Laos, ang seremonya ng pagsisimula ng Taong Panturista at Kapistahan ng Elepante ng bansang ito.
Ipinatalastas ni Pangulong Bounnhang Vorachith ng Laos ang pormal na pagsisimula ng aktibidad na ito.
Sinabi naman ni Yanyong Sipaseuth, Pangalawang Gobernador ng lalawigang Xaignabouli, na ang pagdaraos ng Kapistahan ng Elepante ay naglalayong magpakita ng tradisyonal na kultura ng maharmonyang relasyon ng mga Lao at elepante. Ito rin aniya ay para pasulungin ang turismo, at dagdagan ang pagsusubaybay ng mga tao sa pangangalaga sa elepante.
Salin: Liu Kai