SA pagkakaroon ng imbestigasyon o kawalan ng imbestigasyon ng International Criminal Court, magpapatuloy ang kampanya ng pamahalaan laban sa droga. Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Go Negosyo 10th Filipino Entrepreneurship Summit knina.
Obligasyon umano niya na tapusin ang kampanya laban sa ilegal na droga. Tuloy ang kampanya laban sa droga kahit mayroong mga isyu ng human rights at taliwas na pananaw ng mga politiko.
Magugunitang noong nakalipas na buwan sinabi ng Internaitonal Criminal Court Office of the Prosecutor na magsisimula na silang magsiyasat sa mga impormasyong nagmula kina Atty. Jude Sabio at dagdag na impormasyon nina Congressman Gary Alejano at Senador Antonio Trillanes, IV hinggil sa madugong kampanyang inilunsad noong manungkulang pangulo si G. Duterte noong Hulyo ng 2016.