SINABI ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na walang hadlang na legal sa joint exploration ng karagatan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
Unang lumabas na may posibilidad na magsama ang mga Filipino at Tsino sa paghahanap ng likas na yaman sa karagatan, sa South China Sea.
Niliwanag ni Secretary Roque na ang joint exploration ay 'di nangangahulugan na kinikilala ng Pilipinas ang pag-aari ng Tsina sa karagatan. Wala rinumanong basehan na nagtaksil si Pangulong Duterte sa pagtitiwala ng mga mamamayan sa naging pahayag nitong magaganap ang joint exploration.
Ani Secretary Roque may desisyon ang Korte Suprema na nagpapahintulot sa pagkakaroon ng joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at mga banyaga basta't susunod ito sa itinatadhana ng Saligang Batas at makapapasa sa pagsusuri ng lehislatura.