TINIYAK ni Pangulong Duterte na papayagan niya ang Presidential Anti-Corruption Commission na suriin ang kanyang bank accounts. Sa kanyang talumpati kagabi sa paninimpa ng mga bagong opisyal ng bagong tatag na komisyon, sinabi ni Pangulong Duterte na handa siyang magbitiw kung mapatutunayang higit sa P 40 milyon ang kanyang naimpok sa bangko.
Sinabi ng pangulo sa kanyang mga kalaban sa politika na huwag maghanap ng ebidensya sa kanyang mga pahayag at kunin pa sa kanya ang datos.
Sinabi naman ni Commisioner Grego Belgica, hindi saklaw ng kanilang obligasyon na siyasatin ang pangulo.