|
||||||||
|
||
Sa pag-uusap sa telepono Biyernes, Marso 9, 2018, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos, malaliman silang nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa kasalukuyang situwasyon sa Korean Peninsula at relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Trump ang pag-asang malulutas ang isyung nukear ng Korean Peninsula sa mapayapang paraan. Aniya, lubos na pinasasalamatan at mataas na pinahahalagahan ng panig Amerikano ang ginagawang mahalagang papel ng Tsina sa isyung ito.
Tinukoy naman ni Pangulong Xi na buong tatag na nagsisikap ang panig Tsino upang maisakatuparan ang target ng walang-nuklear na Korean Peninsula, at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng paninsulang ito. Iginigiit aniya ng Tsina ang paglulutas sa isyu sa pamamagitan ng diyalogo at pagkokoordinahan. Hinahangaan aniya ni Xi ang positibong mithiin ni Trump sa paglutas sa isyung ito sa paraang pulitikal. Umaasa ang panig Tsino na sisimulan ng Amerika at Hilagang Korea ang kanilang pag-uugnayan at diyalogo sa lalong madaling panahon upang makuha ang positibong bunga.
Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa relasyong Sino-Amerikano. Umaasa si Xi na sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't-isa at may mutuwal na kapakinabangan, magkasamang magsisikap ang dalawang panig upang mapasulong ang kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at Amerika at ang kanilang relasyon sa bagong taon.
Bumati si Pangulong Trump sa matagumpay na pagdaraos ng "Dalawang Sesyon" ng Tsina. Ipinahayag niya ang kahandaan ng Amerika na magsikap kasama ng Tsina para mapasulong pa ang relasyong Amerikano-Sino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |