|
||||||||
|
||
Nakatakdang makipag-usap si US President Donald Trump kay Kim Jong-un, kataas-taasang lider ng Hilagang Korea bago dumating ang Mayo upang maisakatuparan ang target ng "pangmatagalang walang-nuklear na Korean Peninsula."
Kaugnay nito, ipinahayag Biyernes, Marso 9, 2018, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mainit na tinatanggap ng panig Tsino ang positibong signal na inilabas ng Amerika at Hilagang Korea.
Sinabi rin ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea na kung mag-uusap ang mga lider ng Amerika at Hilagang Korea, may pag-asang ito'y magiging "historical milestone" sa paglikha ng kapayapaan ng Korean Peninsula.
Sinabi naman ni Sergi Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na ang gagawing pag-uusap ay magsisilbing hakbang na susulong sa tumpak na direksyon. Ito aniya ay kinakailangan sa normalisasyon ng situwasyon ng Korean Peninsula.
Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinahayag ni Theresa May, Punong Ministro ng Britanya, ang pagtanggap sa gagawing pag-uusap ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |