Ipinahayag nitong Linggo, Setyembre 24, 2017, ni US Secretary of the Treasury Steven Terner Mnuchin na magsisikap hangga't makakaya si Pangulong Donald Trump upang maiwasan ang digmaang nuklear sa Hilagang Korea. Aniya, hahanapin ni Pangulong Trump ang lahat ng posibleng opsyon sa pagresolba sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Kamakaila'y naging matigas ang atityud ng pamahalaang Amerikano sa Hilagang Korea. Matapos na ilabas noong Setyembre 19 sa pangkalahatang debatehan ng United Nations (UN) General Assembly ni Trump ang pananalitang umano'y "lubusang wasakin ang Hilagang Korea," ipinataw nitong Huwebes ang ibayo pang presyur laban sa Hilagang Korea. Idineklara rin niya ang bagong round ng mahigpit na sangsyon laban sa North Korea.
Sa harap ng presyur mula sa Amerika, sinabi ni Kim Jong-un, pinakataas na lider ng Hilagang Korea, na kasalukuyan niyang ikinokonsider ang pagsasagawa ng pinakamahigpit na counter measures.
Salin: Li Feng