|
||||||||
|
||
Ayon sa Xinhua News Agency, sinabi Huwebes, Hulyo 28, 2016, ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea na ang Amerika ay siyang pangunahing may-sala sa paglala ng situwasyon sa Korean Peninsula.
Sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na ginanap sa Laos nitong Martes, Hulyo 26, sinabi ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, na walang ostilong patakaran ang kanyang bansa sa Hilagang Korea, at hindi maitinuturing na problema ang magkasanib na ensayong militar ng Amerika at Timog Korea. Kaugnay nito, sinabi ng naturang tagapagsalitang Hilagang Koreano na kung talagang walang patakarang ostilo ang Amerika sa Hilagang Korea, bakit nito ipinadala ang iba't-ibang uri ng estratehikong sandata sa Timog Korea, at bakit din nito lantarang idineklara ang "pagsakop sa Pyongyang?"
Dagdag pa niya, kung patuloy na pag-iibayuhin ng Amerika ang aksyong ostilo laban sa Hilagang Korea, magsisikap ang kanyang bansa, hangga't makakaya upang ipagtanggol ang soberanya at dignidad ng bansa. Dapat isabalikat ng panig Amerikano ang lahat ng resultang dulot nito, aniya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |