Alas-5 hanggang alas-7 ng umaga mula Marso 20 hanggang Marso 22, 2018, lilitaw ang kagila-gilalas na bukang-liwayway at masisilayan ito sa itaas ng pagoda ng Angkor Wat. Inilunsad ng departamento ng pangangasiwa sa Angkor Wat ang aktibidad ng pagkalap ng litrato sa okasyong ito mula sa mga apisyunado ng pagkuha ng larawan sa buong mundo.
Ayon sa impormasyong inilabas ng nasabing departamento Miyerkules, Marso 14, pipiliin nila ang tatlong litrato na may pinakamataas na boto, at ang unang gantimpala ay magkakamit ng 1 milyong Cambodian Riel (250 dolyares), ang ika-2 gantimpala ay 800,000 Cambodian Riel (200 dolyares), at 500,000 Cambodian Riel (125 dolyares) ang para sa ika-3 gantimpala.
Ang Angkor Wat ay arkitekturang Khmer na pinakamaagang itinatag sa daigdig. Inilakip ito ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) sa listahan ng mga pandaigdigang pamanang kultural. Nakikita rin sa pambansang watawat ng Kambodya ang anyo ng Angkor Wat.
Ang pagsikat ng araw na masisilayan sa itaas ng pagoda ng Angkor Wat ay kinikilalang isa sa mga pinakamagandang tanawin ng bukang-liwayway sa daigdig. Lumilitaw ang tanawing ito tuwing Marso at Setyembre.
Salin: Vera