NAIS ni Presidential Spokesman Harry Roque na tumakbo bilang senador sa susunod na halalan subalit wala umano siyang kakayahan.
Nalulungkot umano siya at nagkataong nangangailangan ng P 500 milyon upang makakandidato.
Naunang binanggit ni Secretary Martin Andanar na sinusuportahan ni Pangulong Duterte ang posibleng pagkandidato ni Secretary Roque, ang kanyang political adviser na si Francis Tolentino at ang kanyang special assistant na si Christopher "Bong" Go.
Kahit pa nagpapasalamat si Secretary Roque sa suporta ni Pangulong Duterte, nahaharap siya sa realidad na kailangan ng salapi upang magwagi sa halalan. Hindi umano niya inakalang mahihirang na tagapagsalita ng pangulo kasabay ng pangtangging ginagamit niya ang pres briefings sa labas ng Metro Manila upang palakasin ang kanyang tsansang maging senador.